festival schedule

I-click ang icon para sa line-up ng events. Libre ang festival para sa publiko ngunit kailangang magdala ng librong pang-donate ang bawat isa na siyang magsisilbi ninyong inyong day pass. Ang mga librong makakalap ay mapupunta sa Aklatang Bayan Project ng CCP.
Go to March 31: PAGLULUNSAD

March 31: PAGLULUNSAD

Makibahagi sa opening ceremonies ng Performatura Festival 2017; makihalubilo kay Nora Aunor sa Gawad CCP Cafe; pakinggan ang boses ng modernong kababaihan sa Hugot Monologues, at maraming iba pa.

Go to April 1: Paghahasik

April 1: Paghahasik

Tuloy-tuloy lang ang ganap sa ikalawang araw ng festival. Pakinggan ang National Artist na si F. Sionil Jose; makibahagi sa performance art ng Tupada Media Action Arts, Sanghabi, at Nerisa Guevara; sa gabi, tutugtog si Heber Bartolome sa Park Poetry segment.

Go to April 2: Pagtatapos

April 2: Pagtatapos

Sa huling araw ng festival, magbibigay-galang kay Francisco Balagtas sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang monumento sa Pandacan, Manila. Walang tigil pa din ang events sa CCP. Pakinggan ang panayam kay Ricky Lee sa Gawad CCP Cafe.

The festival is organized by Smiley face

Paanyaya mula sa festival director

- Ginoong V.E. Carmelo Nadera -
Festival Theme: "Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi"

Malugod po kayong inaanyayahan ng buong pamunuan ng Cultural Center of the Philippines sa buong tatlong araw Performatura Festival 2017 na gaganapin mula March 31 hanggang April 2.

Ang nasabing festival ay ginaganap bawat dalawang taon upang ipagdiwang ang pagniniig ng literatura sa ibang sining at ang koneksyon ng manunulat at performer sa kanilang mga audience.

Ang inspirasyon at puso ng festival ngayong taon ay walang iba kung hindi si Francisco Baltazar na mas kilala bilang Balagtas. Kahit daang taon na din nang huling huminga si Balagtas, dama pa din ang kanyang impluwensiya sa ating bansa.

Mabuhay po kayo at sana ay magkita po tayo sa mga araw ng festival.

Please visit our Facebook Page for updates

Latest news

Get in touch