Performatura Fact Sheet

backgroundimage

PERFORMATURA 2017: PERFORMANCE LITERATURE FESTIVAL
Tema: Sa loob at labas ng bayan kong sawi
mula sa Florante at Laura ni Balagtas

HANDOG NG:
Cultural Center of the Philippines

PETSA/ORAS/LUGAR:
31 Marso- 2 Abril 2017 | 9:00 AM hanggang 9:00 PM
Sari-saring venue sa CCP

2 Abril 2017 | 7:00 AM hanggang 9:30 AM
Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila

DESKRIPSIYON:
Sa Performatura 2017: Performance Literature Festival, bibigyan natin ng pagkilala ang buhay at akda ni Balagtas. Ipagdiriwang din natin ang diwa ng kanyang mga obra na mababakas sa panitikan at mga tradisyon ng ating bayan hanggang sa kasalukuyan. Sa Performatura 2017, magsasama-sama ang mga alagad ng sining sa mainstream at popular na kultura, at sa malikhaing mga komunidad sa buong Pilipinas.

Layunin ng Perfomatura na maging entablado para lumikha ang ugnayan ng mga alagad ng sining at tagapagtanghal at ang masang Filipino.

Wala nang mas mahalaga sa pagbibigay ng inspirasyon sa madla at ang patnubayan sila sa paniniwalang ang sining, lalong lalo na ang panitikan, ay para sa lahat. Saklaw ng Performatura 207 ang sari-saring tradisyon at anyong sining na sumasalamin sa sari-sari din nating paraan ng pamumuhay.

Performatura sa CCP

Ang tatlong araw ng festival sa CCP ay binubuo ng

Mga Pagtatanghal
· Heber Bartolome
· Abra
· Juan Miguel Severo
· Binibining Beats ng Zamboanga
· Kontra-Gapi
· Sanghabi
· Teatro Balagtas
· Jean Ariane Flores ng Laguna
· Anino Shadowplay

Spoken Word
· Words Anonymous
· Ampalaya Monologues by Theather for Alternative Platforms
· Bukambibig
· GUMIL ng Ilocos Region
· NAGMAC ng Cagayan de Oro
· The Batutes
· LIRA
· The Makatas
· Voltes Vim
· Happy Mondays
· KM64
· Baguio Writers Guild
· Dumay Solinggay ng Baguio
· White Wall
· Alab Volunteer Group

Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at mga Gawad CCP Awardee
· Virgilio S. Almario
· F. Sionil Jose
· Nora Aunor
· Ricky Lee
· Leoncio Deriada

Pagtatanghal ng Panitikang Oral
· Rajji performers ng Batanes
· Balitaw performers ng Cebu
· T’boli chanters ng South Cotabato

Pelikula
· Ang Kababaihan ng Malolos, directed by Sari Dalena and Kiri Dalena
· Komikero Chronicles, produced by Sari Dalena
· Tribu, directed by Jim Libiran
· Giancarlo Abrahan, directed by Giancarlo Abrahan

Performance Art
· Tupada Action and Media Arts (TAMA)
· Nerisa Guevarra

Natatanging Event
· Opening of the National Artist for Visual Arts Cesar Legaspi
Birth Centennial Exhibit
· Akdang Buhay Video Launching
· Franciscosplay Contest
· Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas
· Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan
· NBDB Book Fair

Reading Sessions
· Kids from Dagdag Dunong Reading Center
· Pinoy Reads Pinoy Books Book Club
· Students of Philippine National School for the Blind
· Women’s Playwright International
· Pinoy Storytellers Group
· MAFIA

Lecture-Demo
· Poetry is Our Second Language
· Bukanegan mula sa Ilocos Region
· Sarsuwelang Sangang Nangabali mula sa Cebu

Para sa kumpletong schedule, i-click ito.

Performatura sa Pandacan

Pagtatanghal
· Teatro Balagtas

Spoken Word
· KWF Mga Makata ng Taon

Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
· Bienvenido Lumbera

Natatanging Event
· Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas
· Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan

Para sa kumpletong schedule, i-click ito.

IMPORMASYON SA TICKET:
Para sa mga venue sa CCP:

Mag-donate lamang ng isang libro (kahit na anong libro). Ang isang libro ay katumbas ng one day entry pass.

Para sa Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila

Walang tiket na kailangang bilhin. Libre at bukas sa publiko.

ONLINE REGISTRATION:
Daig ng maagap ang masipag. Magpalista at mag-pre-register sa segments na gusto ninyong puntahan. Gawin ito sa pamamagitan ngwww.performatura.com, at pagkatapos ay i-print ang e-ticket. Ibigay ito sa registration staff ng festival sa araw ng inyong pagpunta. Puwedeng mag-pre-register online hanggang 20 Marso 2017, alas-singko ng hapon.

Para magpalista nang maaga, i-click ito:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *