February 28, 2017

Orature Overture: Balitaw

March 31, 2017
3:00 pm  to 5:00 pm
Tanghalang Huseng Batute

Paglilinaw: Ang video po ay ginagamit bilang halimbawa ng performance ng Balitaw. Ibang grupo po ang lalabas sa sa Performatura 2017.

Ang Balitaw ay isang tradisyon ng performance sa Visayas na pinagsasabay ang awit at sayaw. Tulad ng mga folk dance, ang Balitaw ay nagpapakita ng ligawan o courtship sa pagitan ng babae at lalaki ngunit ang kaibahan nito sa ating mga folk dance ay nangingibabaw ang pag-awit kaysa sa pagsayaw. May elemento din ng dula o debate ang Balitaw dahil maririnig sa liriko ang pag-tatalastasan ng babae at lalaking mananayaw tungkol sa pag-ibig at tungkol sa isa’t isa. Maaring maaninag ang kultura’t nilalaman ng mga puso ng mga Bisaya sa tradisyon ng Balitaw.

Kaya’t ano pa ang hinihintay natin? Pindutin lamang po ang button sa ibaba nang tayo’y makapag-reserve ng slot.

Ang mga notes ukol sa Balitaw ay halaw mula sa artikulo sa Philippine Star na inyong mababasa dito.