February 28, 2017

Literaturo: Bukanegan

Tanghalang Huseng Batute
10:00 am  to 12:00 pm

Bukaneganpic-min

Nauuso man ang FlipTop battle sa kabataan ngayon, hindi na bago ang tradisyong ito dahil matagal nang nakikipagtalastasan nang matulain ang ating mga ninuno. Kung mayroong Balagtasan ang mga Tagalog at Crissotan ang mga Kapampangan, may Bukanegan naman ang mga Ilokano.

Ang Bukanegan, tulad ng dalawang nabanggit na tradisyon, ay debateng isinasagawa sa entablado sa harap ng madla. Ang Bukanegan ay ipinangalan sa Ama ng Ilocano Literature na si Pedro Bucaneg – ang kinikilalang pinakamagaling na orador sa wikang Ilocano.

Sa session na ito ay tuturuan tayo nina Eliseo Contillo, Remy Albano, at Vilmer Viloria ng mga kumbensiyon at proseso na napapaloob sa pagsusulat ng Bukanegan.

Pindutin lamang ang button sa ibaba upang makapagpa-reserve ng inyong slot.