February 28, 2017

Orosman at Zafira Marathon

April 1, 2017
1:00 pm – 6:00 pm
CCP Promenade

SINCE 1611-min

Bukod sa La India Elegante y El Negrito Amante at Florante at Laura, mayroon pang isang obra si Francisco Balagtas na pinamagatang Orosman at Zafira. Pinangambahan ng mga scholar at mambabasa ni Balagtas na tuluyan nang nawala ang alin mang kopya ng Orosman at Zafira.  Ito ang dahilan kaya’t milagro ang pagtingin ng mga akademiko nang makahanap ng kopya ang scholar na si Ginoong Buenaventura Medina Jr. sa isang koleksiyon sa National Library noong 1974.

Ang Orosman at Zafira ay isang anyo ng komedya na kung tawagin ay Moro-Moro kung saan may dalawang panig ang naglalaban at hindi matalo-talo ng isang paksyon ang kalaban. Ito ay istorya ng pag-iibigan nina Orosman at Zafira na napapabilang sa magkalabang angkan na Muslim.

Halina’t panoorin ang obrang muntikan nang hindi matagpuan, kasama ang grupong Pinoy Reads Pinoy Books Book Club.