February 28, 2017

Peliteratura: Giancarlo Abrahan

April 1, 2017

2:00 pm to 4:30 pm

Dream Theater

Bukod sa pagiging makata, kilala rin bilang accomplished scriptwriter at direktor si Mr. Giancarlo Abrahan dahil sa kanyang trabaho sa Dagitab, Islands, Transit, at nitong huli lamang na I’m Drunk, I Love You. Dito sa session niya ng Peliteratura, kapapanayamin natin si Gian upang malaman ang proseso ng paggawa niya ng pelikula.

Bukod sa mga insight na ibabahagi ng direktor, ating papanoorin ang pelikula niyang Dagitab. Ang Dagitab ay tungkol sa love triangle na namamagitan sa mag-asawang Issey, isang creative writing professor na ginagampanan ni Binibining Eula Valdez, Jimmy, na binigyang-buhay ni Ginoong Nonie Buencamino, at ang estudyante ni Issey na si Gab. Nang manalo si Gab sa isang malaking writing contest sa pamamagitan ng lakas ng kanyang akda tungkol  sa sexual awakening, naging mitsa ito ng bulung-bulungan ukol sa relasyon ng guro’t estudyante at siyang  magpapasalimuot sa kuwento ng tatlo.

Pindutin lamang ang button sa ibaba upang makapagpa-reserve ng inyong slot.