March 9, 2017

Honoring Balagtas

Ang tema po ng ating Performatura Festival ngayong taon ay “Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi” na halaw mula sa isang taludtod ng Florante at Laura ni Balagtas. Ito po ay dahil ipinagdiriwang natin ang impluwensiya ni Francisco Balagtas sa ating panitikan at sa pagtatanghal.

Salamat sa inspirasyong iginawad ng muhon at makata, isinilang ang Balagtasan at higit na lumutang ang mga dulang tulad ng Moro-Moro dahil sa obra niyang Orosman at Zafira. Bato lang ang pusong hindi maaantig sa tulang pag-ibig na Kay Celia.

Higit sa lahat, malaki ang naging kontribusyon ni Balagtas sa ating kalayaan. Kung nasasalamin man ang paghahari ng kasamaan sa bayan ng Albanya ang paghahari ng kasamaan sa Pilipinas ng panahon ni Balagtas, iyan ay dahil hinugot niya ito mula sa kawalan ng katarungan na kanyang naranasan habang nakakulong dahil sa maling paratang.

Sadyang magandang alegorya ang obra kaya’t nagdala raw ng kopya nito si Rizal habang nagbibiyahe sa Europa at kinopya ni Mabini ang unang edisyon ng libro sa pamamagitan ng sulat-kamay habang nasa Guam noong siya’y pinatapon doon ng mga Amerikano taong 1901.

Masasabi mo bang makatotohanan pa rin ang Florante at Laura sa ngayon?

Makikita po sa ibaba ang mga event at content na aming munting parangal sa dakilang manunulat at makata na si Francisco Baltazar.

Francisco Balagtas 2

Buhay at Akda ni Francisco Balagtas

Alamin ang kuwento ng buhay ni Francisco Baltazar aka Francisco Balagtas at ang kanyang mga akda.

Lovers

Florante at Laura by Rodolfo Paras-Perez

Tingnan ang woodcut prints na ginawa ng scholar at artist na si Rodolfo Paras-Perez para sa isang edisyon ng Florante at Laura na may sulat-kamay ni Apolinario Mabini.

148768177454006

Pag-alay ng Bulaklak kay Balagtas sa Pandacan

Ating parangalan ang makata’t pantas sa kanyang shrine sa Pandacan. Bukod sa ilang talumpati, magkakaroon din ng pagtatanghal ang Teatro Balagtas, pagbabasa ng tula mula sa mga Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino, at Lakbay-Kamalaysayan, isang walking tour kasama ang Samahang Sining at Kultura sa Pilipinas.

Church_of_Pandacan_-_Vicinity_of_Manila,_early_1800s

Lakbay Kamalaysayan

Sundan natin ang mga yapak ni Francisco Balagtas sa pook kung saan siya umibig at nasawi – sa Pandacan.

aladdin

Franciscosplay

Manood ng mga cosplayers habang sila’ nagroroleplay bilang mga karakter mula sa Florante at Laura.

220px-PH_nhi_francisco_baltazar

Balagtas-Inspired Events sa CCP

Tayo’y magpunta at sumali sa mga event kung saan ginugunita si Balagtas at ipinagdiriwang ang kanyang mga gawa.