March 29, 2017

Lakbay-Kamalaysayan

April 2, 2017
Tour begins at 8:30 am.
Balagtas Shrine

Church_of_Pandacan_-_Vicinity_of_Manila,_early_1800s

Nais ninyo bang sundan ang mga yapak ni Balagtas at puntahan ang mga lugar na nagbigay ng danas sa kanya upang maisulat ang Florante at Laura? Kung oo ang inyong sagot, tara na at sumama sa Lakbak Kamalaysayan. Ang Lakbay Kamalaysayan ay isang guided walking tour sa mga makasaysayang kalsada ng Pandacan na isa sa mga nakakariwasang barangay noong panahon ng Espanyol.

Sa April 2, magsisimula ang tour sa Balagtas Shrine bilang bahagi ng paggunita sa birth anniversary ng makata’t
bayani at bilang parte ng Performatura 2017. Isa sa mga lugar na dadaanan ay ang Ilog Beata kung saan minsan namangka si Balagtas at ang sinta niyang si Celia.

Bukod sa ilang lugar na maaring naging tagpo sa buhay ni Balagtas ay pupuntahan din ang ilang pook na may puwang sa kasaysayan ng Pilipinas at sa mga kuwento ng ibang bayani. Nandiyan ang Shrine ni Padre Jacinto-Zamora at Dambana ni Apolinario Mabini. Mapupuntahan din ang Bahay Tiza kung saan ginawa ang pelikulang Aswang na unang pelikulang Pilipino na may sound at ang Santo Nino de Pandacan Catholic Church.

Halina’t maglakad at danasin ang pook na nagbigay ng napakaraming importante kuwento sa ating kasaysayan. Sumali na din sa pag-alay ng bulaklak sa Balagtas Shrine ng ika-7 ng umaga.